Header Ads

Sinibak na pulis ng Duterte Gov’t, umabot na sa 352


Umabot na sa 352 ang tinatayang pulis na sinibak ni PNP Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa kanilang serbisyo.

Dahil sa pagkakasangkot ng ibang pulis sa maling gawain tulad ng iligal na droga, grave misconduct, absence without leave at extortion kaya sila nasibak.

Ang nasibak na pulis ay 167 pulis ay sangkot sa droga, 72 ang nag-AWOL, 59 ang may iba’t ibang grave offenses habang ang iba pa ay may kasong murder, kidnapping, rape, extortion at human rights violation.



Ayon naman kay Dela Rosa, ang pinaka mataas na na dismiss niya sa serbisyo ay Senior Superintendent, at director ng Iloilo City.

Mayroon pa umanoy pinasisibak na tatlong general si Pangulong Duterte ngunit hindi ito pinangalanan ni Dela Rosa.

Bukod pa rito, mayroon pa umanong 329 na pulis na posibleng masibak at may 60 na pulis rin na nasa listahan pa ng NAPOLCOM na pinasisbak ni Duterte.

Source: Brigada News

No comments:

Powered by Blogger.