Header Ads

Tito Sotto, opisyal ng nanungkulan bilang bagong Senate president



Nagsimula ng manungkulan ngayon si Senator Vicente Sotto III bilang pang-dalawamput’siyam na Senate president kapalit ng nagbitiw na si Senator Koko Pimentel.

Nauna rito, si Pimentel ay pumirma na rin bilang pang labing-anim na senador na nakapirma sa isang resolusyon na naglalayong ma-reorganisa ang liderato ng mataas na kapulungan.

Sa pamamagitan din ng naturang resolusyon, kanilang inihahalal si Sotto bilang bagong Senate president.

Ang resolusyon ay pormal ding tinalakay at pinagtibay sa plenaryo.

Si Sotto ay nanumpa sa kanyang tungkulin na pinangasiwaan ng kanyang sinasabing best friend sa Senado na si Senator Gringo Honasan. Sinaksihan naman ang panunumpa ng mga miyembro ng kanyang pamilya kabilang ang kanyang maybahay na si Helen Gamboa at ng kanilang mga anak.

Nangako naman si Sotto na kanyang gagampanan nang buong husay at katapatan ang kanyang bagong tungkulin. 

Source: Radyo Pilipinas


Disclaimer:

(NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.Thank you for being considerate.

No comments:

Powered by Blogger.